Friday, November 13, 2020

Sa Paglipas Ng Panahon

     Wala pa namang pangyayare ang naganap na isang araw palang naitatanim ang isang buto ay naging puno na agad ito. 

    It takes time. 
    Sabe nga nila, pag pinilit mong pahinugin ang isang bunga, hindi ito matamis pag kinain mo na. Hindi ito parang instant noodles na pag nilagyan natin ng mainit na tubig, ready to eat na. May mga bagay tayong kinakailangang hintayin, mga bagay na dinadalisay ng panahon gamit ang ilang libong pasensyang meron tayo, mga bagay na magagamit nating papuri sa Diyos pag dumating yung panahon na matatanggap na natin ang mga yun. 

     Waiting requires growing. Mahirap maghintay at minsan may mga bagay na susubok ng pasensya natin. Minsan nakakapagod at dumadating tayo sa punto na susukuan mo nalang yung bagay na hinintay mo. Pero as time goes by, hindi natin napapansin na while were waiting it is US actually who is growing. Akala natin kase pasensya lang natin ang mabubuild pero tayo pala mismo ang lumalago. May mga bagay tayong matutuklasan habang nag aantay, believe it or not, God is revealing to us in the most unexpected way. 
  
Waiting requires surrendering. Mahirap mag let go. But it actually lightens the burden na dala-dala natin sa paglakad sa Panginoon. Minsan may mga unnecessary tayong mga dala-dala, mga hawak na di naman dapat, mga isipin at alalahanin na di naman nakakatulong sa paglago natin at pabigat ito ng pabigat kung hindi tayo matututong magbawas. Lets unload and leave the things na irrelevant sa pagsunod natin sa Lord, let go of the things thats holding us back sa pagbibigay natin ng papuri sa Kanya. 

Waiting requires Love. Isa dapat ito sa pinakadahilan natin kung bakit tayo nag hihintay. Because when we love, we grow, we let go and we wait. Malaki ang nagagawa ng pagmamahal. Nagagawa nitong yakapin ang mga bagay na hindi kamahal mahal. Nagagawa nating maghintay kahit gaano pa katagal. Love can actually be the reason kung bakit kaya nating bitawan yung mga bagay na matagal na panahon nating hinawakan. 

    Nung sinabi nating " I will commit my life to you Lord, it means ipagkakatiwala ko sayo ang buhay ko ng walang pag aalinlangan ". Tomorrow is not sure, hindi natin alam kung bukas ay pahihintulutan pa tayo ng Diyos na gumising. Kaya habang nakakatanggap tayo ng grasya, ng kahabagan, ng pagmamahal, ng pag asa, ng kapatawaran, gamitin din natin ang buhay natin para siya ay parangalan at papurihan. At habang tayo ay naghihintay sa Panginoon, lumago tayo ng sabay sabay at mamunga ng masaganan. As galatians 5:22 says, But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, self control, againts such things there is no law.
 
* Sa paglipas ng panahon, Ikaw padin hanggang ngayon, at magpakailanman, Panginoon * 

Psalm 27:13-14 says, “I remain confident of this: I will see the goodness of the Lord in the land of the living. Wait for the Lord; be strong and take heart and wait for the Lord.” 

Friday, October 30, 2020

Realization


Yes i messed up . Andami pong nangyare Lord na sa tingin ko hindi infavor sakin. Andaming nangyare na iniyakan ko, na ikinainis ko, ikinagalit ko, at pinagsisihan ko.

May mga times talaga na itetest yung faith natin kung genuine talaga ito. Minsan, ito ang pinagpepray mo pero iba ang ibibigay sayo. Minsan, mag fefail ang plano mo para ipakita niya na may iba siyang plano sayo . See ?? mahirap maintindihan pag bukas ang mga mata natin .. kase we wanted to see what our eyes wants to see .. kaya pag hindi natin nakita, we were so disappointed. Totoo yan, kase been there. lalo na nung mga panahon na ang salita lang ng Lord yung pinanghahawakan ko .. Im so desperate dun sa kaisa-isang pinagpepray ko, kase i know , God is so good, and that desire in my heart ay hindi naman masama kundi ikabubuti ko din. Alam kong igagrant yun ng Lord kase yun ang sabe niya sa salita niya, so I stand still. I waited, and you dont know how much i prayed for it. Pero, nauubos din pala ang pasensya ng tao minsan. And thats one thing i discovered din ... na kahit gaano ka kafirm sa stand mo to wait sa pangako ng Lord time will come na gusto mo na munang magpahinga. At umiyak ako, Sobrang iniyakan ko to, i even ask the Lord, " bakit antagal Lord ? bakit hanggang ngayon, wala pa yung pinag pepray ko ? napapagod na po ako .. " Yan yung mga panahon na napagod nalang ako, lahat, im physically, emotionally, mentally drained !! " Lord, pagod na pagod nako ! " Laging yan ang iniiyak ko sa Lord sa tuwing matutulog nako sa gabi. Akala ko wala na, Kase devotion ko wala na, prayer ko humina na, faith ko paibang direksyon na, worship ko tahimik na, Hindi ko na siya maramdaman, hindi ko siya makita 😭

.....

There's this saying " if God is silent, it doesnt mean He is not present " . So i tried to seek Him sa lahat ng sitwasyon ko, and He was there. Tried to speak to him sa lahat ng reklamo ko, and He was there listening. He watches me nung mga panahon na umiiyak ako sa kanya, nung mga panahon na hinang hina nako, bigat na bigat at gusto nang bumitaw. Pinapakingan niya ko nung puro reklamo ang binabanggit ko sa mga prayers ko, nung halos ma question ko siya sa mga nangyayare sakin sa araw araw, andun siya at hindi siya lumayo 😭😭😭 ..

.......

I forgot to listen. Hinayaan ko yung sarili ko na magsalita ng magsalita without even listening sa Lord. I forgot to open my heart sa mga bagay na hindi kayang makita ng mata.. I was wrong, and now?
Im slowly back on track sa Lord. ive dropped all my worries, my murmurings, my doubts kase kahit kailan they were irrelevant sa paglago ko as a being. Nakalimutan kong si Lord lang pala ang kailangan ko .. Yung tipong si Lord lang sapat na 😊

I wanted an instant answer to my prayers but He gave me a worthy present to begin with.
I had my ups and downs, but the faithfullness of the Lord remains .. 

Sa Paglipas Ng Panahon

     Wala pa namang pangyayare ang naganap na isang araw palang naitatanim ang isang buto ay naging puno na agad ito.      It takes time.   ...