It takes time.
Sabe nga nila, pag pinilit mong pahinugin ang isang bunga, hindi ito matamis pag kinain mo na. Hindi ito parang instant noodles na pag nilagyan natin ng mainit na tubig, ready to eat na. May mga bagay tayong kinakailangang hintayin, mga bagay na dinadalisay ng panahon gamit ang ilang libong pasensyang meron tayo, mga bagay na magagamit nating papuri sa Diyos pag dumating yung panahon na matatanggap na natin ang mga yun.
Waiting requires growing. Mahirap maghintay at minsan may mga bagay na susubok ng pasensya natin. Minsan nakakapagod at dumadating tayo sa punto na susukuan mo nalang yung bagay na hinintay mo. Pero as time goes by, hindi natin napapansin na while were waiting it is US actually who is growing. Akala natin kase pasensya lang natin ang mabubuild pero tayo pala mismo ang lumalago. May mga bagay tayong matutuklasan habang nag aantay, believe it or not, God is revealing to us in the most unexpected way.
Waiting requires surrendering. Mahirap mag let go. But it actually lightens the burden na dala-dala natin sa paglakad sa Panginoon. Minsan may mga unnecessary tayong mga dala-dala, mga hawak na di naman dapat, mga isipin at alalahanin na di naman nakakatulong sa paglago natin at pabigat ito ng pabigat kung hindi tayo matututong magbawas. Lets unload and leave the things na irrelevant sa pagsunod natin sa Lord, let go of the things thats holding us back sa pagbibigay natin ng papuri sa Kanya.
Waiting requires Love. Isa dapat ito sa pinakadahilan natin kung bakit tayo nag hihintay. Because when we love, we grow, we let go and we wait. Malaki ang nagagawa ng pagmamahal. Nagagawa nitong yakapin ang mga bagay na hindi kamahal mahal. Nagagawa nating maghintay kahit gaano pa katagal. Love can actually be the reason kung bakit kaya nating bitawan yung mga bagay na matagal na panahon nating hinawakan.
Nung sinabi nating " I will commit my life to you Lord, it means ipagkakatiwala ko sayo ang buhay ko ng walang pag aalinlangan ". Tomorrow is not sure, hindi natin alam kung bukas ay pahihintulutan pa tayo ng Diyos na gumising. Kaya habang nakakatanggap tayo ng grasya, ng kahabagan, ng pagmamahal, ng pag asa, ng kapatawaran, gamitin din natin ang buhay natin para siya ay parangalan at papurihan. At habang tayo ay naghihintay sa Panginoon, lumago tayo ng sabay sabay at mamunga ng masaganan. As galatians 5:22 says, But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, self control, againts such things there is no law.
* Sa paglipas ng panahon, Ikaw padin hanggang ngayon, at magpakailanman, Panginoon *
Psalm 27:13-14 says, “I remain confident of this: I will see the goodness of the Lord in the land of the living. Wait for the Lord; be strong and take heart and wait for the Lord.”